
Maraming nakapansin sa naging sagutan ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga at mga netizens sa kaniyang Instagram account.
#ArayNaman: 39 Celebrity breakups na dinamdam ng mga Pinoy
Tinanong kasi ang anak ni Cesar Montano at Teresa Loyzaga ng ilan sa mga ito, kung sino ang babaeng kasama niya sa Instagram.
Ka-loveteam ng binata ang Kapamilya talent na si Sofia Andres.
Sunod-sunod ang naging palitan ng mensahe sa pagitan ni Diego at ng ilang netizens at makikita na hindi maiiwasan na magkainitan.
Ni-reveal din ng binata na may boyfriend na si Sofia Andres.
Ilang beses napaulat sa mga showbiz website at gossip blogsite na rumored couple sina Diego at Sofia. Pero nilinaw ng aktor sa isang panayam sa isang morning TV talk show last February 2018 na magka-loveteam lang sila at single siya.