
Kasalukuyang nasa bakasyon sa Europa ang mag-anak na Dingdong Dantes, Marian Rivera at Baby Zia at isa sa mga paborito nilang gawin ay ang bumisita sa mga lokal na simbahan ng mga bansang pinupuntahan nila.
Ayon sa Kapuso Primetime King, marami daw kasing tanong tungkol sa mga rebulto si Baby Zia kagaya ng "who's dat?" at "wachurname?" Pero ang isa sa madalas itanong ng anak nito ay kung bakit may dugo sa mga kamay, paa at dibdib ang imahe ni Kristo.
Bahagi ni Dingdong, "It is just amazing that in the process of trying to explain it to her, I also got to reflect a bit on why He really is on that cross. Something na hindi ko naman talaga naiisip araw-araw..."
Dagdag pa ng aktor, tamang-tama daw sa panahon ng Semana Santa ang pagkakataon kung kaya't tumambay muna sila sa steps ng Saint Nicolas Cathedral sa Monaco.