
Ngayong nalalapit na ang Father's Day, excited na nagkuwento si Dingdong Dantes ng update tungkol sa kanyang bunsong si Baby Ziggy.
"Sa Sunday two months na siya; sa Father's day [June 16] two months na siya,” kuwento ng Kapuso Primetime King sa ginanap na media conference ng season 7 ng StarStruck kamakailan.
IN PHOTOS: 'StarStruck' season 7 media conference
Ibinahagi rin ni Dingdong na wala pa silang napag-uusapan ni Marian Rivera para sa Father's Day celebration.
Pero nagpaplano na sila tungkol sa binyag ni Baby Ziggy.
Ani Dingdong, "Iniisip namin, Soon na rin."
May listahan na rin umano si Dingdong at Marian ng ninong at ninang ni Ziggy.
"May mga list na rin kami, 'yung petsa, naghahanap na rin kami ng magandang petsa."
WATCH: 'StarStruck' hosts, sumabak sa auditions