
Tinanggap na ang pagkatalo nina Emma at Georgia sa puso ni Rome.
Sinang-ayunan ng mga aktres na si Sunshine Dizon at Ryza Cenon ang patutsada ni Megastar Sharon Cuneta sa Instagram na siya ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni Rome o Gabby Concepcion sa tunay na buhay.
Napa-#teamorig pa si Sunshine at sinabi na si Sharon ang totoong reyna.
Si Ryza naman, gusto pang ma-meet ang Megastar in person.
Naging maugong muli ang tambalang Sharon-Gabby matapos mag-viral ang kanilang fast food commercial.