
Naalala raw ni Direk Eric Quizon ang kanyang yumaong ama na si Dolphy sa bida ng kanyang pelikulang My 2 Mommies na si Paolo Ballesteros.
Behind-the-Scenes: A few scenes to look out for in My 2 Mommies
Pagpansin ni Direk Eric, pareho ang naging training ng Philippine King of Comedy at ng dabarkad dahil pareho raw silang nahasa sa pag-perform sa live shows. Ang bilis at husay raw nila sa pagpapatawa ang nakitang similarity ng direktor sa pagitan nina Dolphy at Paolo.
Kinuwento niya sa blogger’s conference ng My 2 Mommies na may isang eksena na ilang ulit nilang kinuha for safety at dahil na rin daw may ilang bagay sa eksena na hindi umaayon tulad ng problema sa ilaw. Naka-ilang ulit daw sila at laging naghahatid ng bagong punch line si Paolo.
Wika ni Direk Eric, “Doon sa siyam (na takes) na ‘yun, iba ‘yung sinabi niyang punchline, and I know if there’s one person who does that, it’s my dad.”
“Sa comedy kasi 'pag nasabi mo na ‘yung punchline, that’s why it’s called a punchline, ‘yun ‘yung pang-end mo eh. 'Pag nasabi mo na ‘yun, usually, it doesn’t work anymore on the second time. Maybe sa pelikula it will kasi first time makikita ng audience mo pero sa mga taong nakikita ‘yun or on the set, it will not be as funny anymore. And I think, because si Paolo is sanay sa live so ganito ‘yung ginawa niya, every punch, ibang punch. Doon sa nine punches na ‘yun, may nine punchlines na pwedeng ilagay sa iba’t ibang eksena and rarely do you see actors do that... and kaya nakikita ko ang daddy ko kay Paolo in that scene,” patuloy niyang paliwanag.
Madalas daw ito mangyari habang sila ay nagte-tape para sa pelikula. Sa isang eksena pa nga raw ay hindi napigilan ni Solenn Heussaff ang kanyang pagtawa na tumagal daw ng sampung minuto.
Paliwanag ni Paolo tungkol sa kanyang nakakatuwang pag-ad lib, “Parang maging light ‘yung atmosphere sa set, talagang nagbabaon ako ng mga punchline tapos madalas hindi ko sinasabi sa kanila para surprise, ganun. Kasi syempre alam mo naman na kami lahat pagod na pagod na, buong araw ‘di ba na nagsu-shooting… para kahit kaunting tawa lang, ‘yung mapagaan mo ba ‘yung trabaho. Kaya I always make sure na may mga baon akong ganun.”
Ikinatuwa rin daw niya ang nakuhang compliment mula sa kay Direk Eric.
Aniya, “Humbling. ‘Yung parang marinig mo ‘yung ganun na maikumpara sa isang Dolphy lalo na [mula] sa anak ni Dolphy ‘di ba, nakakatuwa.”
Ang Mother’s Day offering ng Regal Films na My 2 Mommies ay mapapanood na sa higit 120 cinemas nationwide simula ngayong araw, May 9.
Photos by: RegalEntertainmentInc(FB)