
Ngayong umaga, October 3, inanunsyo ni Mocha Uson ang kanyang pagbitiw bilang Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary sa hearing ng senado patungkol sa 2019 budget ng PCOO.
"Ako na po ang magsasakripisyo para maipasa na ang budget ng PCOO. Ako po ay nagdesisyon na mag-resign na po," pahayag ni Mocha.
Agad na nag-ingay sa social media ang resignation ni Mocha at nanguna pa nga ang kanyang pangalan sa Philippines Trends ng Twitter.
Marami ang nag-react sa balitang ito kabilang na ang komedyanteng si Ethel Booba na idinaan ang kanyang tweets sa biro.
Pag magreresign kayo antayin nyo muna makuha ang 13th month pay. 3 to 6 months pa naman ang back pay. Charot!
-- Ethel Booba (@IamEthylGabison) October 3, 2018
"'Pag magre-resign kayo antayin nyo muna makuha ang 13th month pay. 3 to 6 months pa naman ang back pay. Charot," saad ni Ethel.
Ethel Booba, trends on Twitter for political joke
Dagdag pa niya, "Malapit na ang filing of candidacy kasi. Charot!"
Malapit na ang filing of candidacy kasi. Charot!
-- Ethel Booba (@IamEthylGabison) October 3, 2018
Sumang-ayon naman ang aktres na si Bianca Gonzalez sa post ni Ethel.
Ethel serving real talk! 💯 https://t.co/w1rnlF4ZlP
-- Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) October 3, 2018
Saad niya, "Ethel serving real talk!"