
Umani ng kilig at tuwa ang birthday greeting ni Rayver Cruz para sa kanyang rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.
Idinaan ni Rayver ang kanyang pagbati sa kapwa Kapuso star sa pamamagitan ng Instagram post kaninang madaling araw, October 3.
“Pahabol lang po hehe happy happy birthday Gwensies,” sabi ni Rayver kay Janine, na nagdiwang ng kanyang ika-29 na kaarawan kahapon, October 2.
Base sa comments, makikita na inaabangan pala ng #JanVer fans ang gagawing pagbati ni Rayver kay Janine.
Source: @rayvercruz on Instagram
Samantala, isang birthday salubong ang inihanda ng pamilya ni Janine kahapon, na dinaluhan din ni Rayver.