
Kahapon, masayang-masaya ang fans nina Alden at Maine nang mapanood nila muli ang kanilang idols sa 'Eat Bulaga.'
Sa segment na ACTually ng longest noontime variety show ng bansa, naging teammates sina Alden at Maine. Dito napanood muli ng Aldubnation ang dalawa na masaya at nag-eenjoy sa paglalaro.
Nagkaroon man nang kontrobersya last year tungkol sa tambalan ng dalawa, makikitang hindi naman naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan.
MUST-READ: Maine Mendoza doesn't want to compromise her happiness; wants her freedom
Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng AlDub fans sa Eat Bulaga dahil nabigyan sila ng pagkakataon na mapanood muli ang dalawa at mapatunayan na walang nagbabago sa pagkakaibigan nina Alden at Maine.