GMA Logo
What's on TV

READ: Gaano ka-supportive si Daddy Bae Richard Faulkerson paglabas ni Rizza sa 'Eat Bulaga?'

By Cherry Sun
Published January 2, 2020 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Ang kapatid ni Alden Richards na si Rizza ang naglaro sa 'Bawal Judgmental' sa 'Eat Bulaga' ngayong kaarawan ng Asia's Multimedia Star. Paano naman ipinakita ni Daddy Bae ang kanyang suporta sa kanyang mga anak? Alamin!

Birthday ni Alden Richards ngayon, January 2, at ang kanyang nakababatang kapatid na si Rizza ang naanyayahang maglaro sa 'Bawal Judgmental' segment ng Eat Bulaga. Habang nagkampihan ang magkapatid sa pagkilatis sa laro, paano naman ipinakita ni Daddy Bae Richard Faulkerson ang kanyang suporta?

READ: Bae-by Baste's sweet birthday message for his BFF Alden Richards

Sina Alden at kanyang personal assistant na si Mama Tenten Mendoza ang nakasama ni Rizza sa kanyang paglalaro. Wala sa Eat Bulaga studio si Daddy Bae kaya kinunan na lamang niya ng video ang performance ng kanyang dalawang anak.

Riza and Rj! 😍😍😍😂

A post shared by Daddy Bae© (@daddy__bae) on

Sa hiwalay na Instagram post, naipakita ni Daddy Bae na kahit tila missing in action siya ay very supportive pa rin siya kina Alden at Rizza.

Aniya, “Tsk tsk tsk. Ako iniwan sa McDo.”

Tsk tsk tsk. Ako iniwan sa McDo. 😭😔😋

A post shared by Daddy Bae© (@daddy__bae) on