
Open ang “Millennial It” girl na si Gabbi Garcia sa mga constructive criticism na natatanggap online.
READ: Netizens defend Gabbi Garcia from a basher who threatened her and her family
Patunay lamang nito ang naging reaksyon niya sa puna ng isang netizen kagabi, August 14, sa performance niya bilang anchor ng Chika Minute.
Makikita sa Twitter page ng aktres na humingi siya ng paumanhin matapos mag-buckle sa kanyang lines on television.
Kasalukuyang napapanood si Gabbi sa weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo ng gabi kasama sina Kylie Padilla at Sanya Lopez. Malapit na ring magsimula ang kanyang bagong Kapuso drama na Pamilya Roces.