What's on TV

READ: Gladys Guevarra, ipinakilala ang tatlong anak na babae

By Bianca Geli
Published May 28, 2019 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Sinu-sino kaya ang ama ng mga anak ni Gladys Guevarra?

Sa sobrang close ng Sunday PinaSaya stars na sina Gladys Guevarra, Julie Anne San Jose, Bianca Umali, at Barbie Forteza ay nakabuo na sila ng Istorya habang nagba-bonding.

Ani ni Gladys, “May story kaming nabuo na sa lagi naming pagke-kuwentuhan at pagsasama-sama.

“And the story goes a little something like this… Silang tatlo, e, anak ko sa pagkadalaga.

“Ang clue, puro artista ang tatay nila.

“At ngayon, first time ko napagsama-sama sa isang litrato ang mga anak ko. Iba-iba ang tatay nila.

“Try mo nga, wild guess lang.

Please see attached image gladys guevarra instagram 1 and 2

Nagbigay pa si Gladys ng clue kung sino ang maaring maging ama ng kaniyang tatlong anak-anakan.

“Nasa bakuran lang ng SPS ang mga ama nila.”

Nag-alok din ng papremyo si Gladys sa makakahula nang tama.

“Ang makahula sa tamang straight na tatlo, reregaluhan ko ng perfume at may chance na makanood ng live sa Sunday Pinasaya sa GMA studio.

“Kaming apat lang talaga nakakaalam kung sinu-sino ang ama nila.

“Ikaw, bet mo ba manghula? Ang announcement ng tumamang sagot, e, hanggang Thursday night lang.

“Isang tao lang ang mananalo. At 'yun ay yung talagang makakahula ng straight na tatlo.

"Halimbawa: Ang tatay ni @bianxa ay si . . . Ang tatay ni @barbaraforteza ay si . . . Ang tatay ni @myjaps ay si . . . 🤪 Handa ka na ba? Game!”

Pati si Ryzza May Dizon, nakilaro rin at tila gustong maging anak-anakan din ni Gladys.

Maine Mendoza, nagbalik 'Sunday PinaSaya'

Janine Gutierrez, nagsuot ng DIY gown sa 'Sunday PinaSaya'