What's Hot

READ: Glaiza de Castro on being awarded as best actress: 'Malaking inspirasyon'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 23, 2019 1:25 PM PHT
Updated March 23, 2019 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD pilots Project SAFE in Iligan City to fight online sex abuse, exploitation of children
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Kapuso!

Pinasalamatan ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang kaniyang mga kasamahan sa industriya matapos niyang maiuwi ang Best Actress award sa katatapos lamang na 3rd Guild of Educators, Mentors, and Students HIYAS Awards.

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

Nanalo si Glaiza para sa 2018 Cinemalaya movie na 'Liway,' kung saan ginampanan niya ang karakter ni Commander Liway.

READ: Glaiza at iba pang Kapuso celebrities, wagi sa 3rd GEMS award

Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Glaiza na hindi sila gumagawa ng pelikula para sa award.

"Sabi namin ni Direk @kipoebanda, hindi namin gagawin ito dahil sa awards," ani Glaiza.

"Pero para mabigyan po ng atensyon at pagpapahalaga, malaking inspirasyon po sa amin an gumawa ng mas makabuluhang proyekto at pagbutihan pa.

"Gusto ko rin magpasalamat sa @phcinema100 @cinema76fs @cinemalayaofficial sa patuloy na pag suporta sa mga pelikulang kagaya nito.

"Malaking bagay na may ibang avenue ang mga tao upang makapanood at makapagbigay halaga sa pelikulang Pilipino at sa mga producers, writers, directors at artista na maipahayag ang kani-kanilang storya sa pamamagitan niyo.

"To God be the glory!"

Maraming salamat sa Guild of Mentors Educators and Students sa pagpaparangal sa Liway bilang Natatanging Pelikulang Pangkarapatang-Pantao at sa akin bilang Best Actress. Sabi namin ni Direk @kipoebanda, hindi namin gagawin ito dahil sa awards pero para mabigyan niyo po ng atensyon at pagpapahalaga, malaking inspirasyon po sa amin na gumawa ng mas makabuluhang proyekto at pagbutihan pa. Salamat ulit sa aking @artistcenter family sa pag aayos ng schedule, sa mga naka trabaho ko, sa aming producer @mister_angst, kay @ppagong, @domroco at sa mga iba pa na walang instagram account, salamat sa inyo. Lalong lalo na sayo, na nakapanood at ibinalita sa iba ang pelikulang ito. Gusto ko rin magpasalamat sa @phcinema100 @cinema76fs @cinemalayaofficial sa patuloy na pag suporta sa mga pelikulang kagaya neto, malaking bagay na may ibang avenue ang mga tao upang makapanood at makapag bigay halaga sa pelikulang Pilipino at sa mga producers, writers, directors at artista na maipahayag ang kani kanilang storya sa pamamagitan niyo. To God be the glory! 🙏🏻

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Congratulations, Glaiza!