
Bilang isang women's rights advocate, hindi pinalagpas ni Contessa lead star Glaiza de Castro na mag-iwan ng mensahe sa mga kapwa niyang babae sa ipinagdiwang na International Women's Day.
LOOK: Glaiza de Castro receives award as a women's rights advocate
Aniya, "Lahat tayo may pagsubok na pinagdadaanan. Lahat tayo may kanya-kanyang laban. Manghihina tayo, mawawalan ng pag-asa. Pero hindi tayo nag-iisa. Mga babae, babangon tayo at babawi. Hindi para maghiganti, pero para magkaroon ng panibagong respeto sa sarili at sa bawat isa, kahit pa sa mga nang api."
Abangan si Glaiza bilang si Contessa, simula March 19 na sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.