
Maliban sa mga iniidolo niyang OPM artist--tulad nina Lani Misalucha, Christian Bautista, Mark Bautista, at Julie Anne San Jose--isang Kapamilya singer daw ang naging inspirasyon ni Golden Cañedo para magpursigi sa pagkanta.
Sa naganap niyang media conference para sa kaniyang latest single na "Tayo Pa Rin," nabanggit ng 17-year-old Kapuso singer na isa si Sarah Geronimo sa tinitingala niyang singers.
“Siya po ang naging inspirasyon ko para matupad ko 'yung mga pangarap ko kasi nag-singing contest din po siya.”
Natutuwa naman daw siya tuwing may nagkukumpara sa kanila ni Sarah.
Aniya, “Sobrang glad ko po kasi nakikita nila si Sarah sa akin.”
Samantala, malaki raw ang pasasalamat ni Golden sa Studio 7 dahil sa pagtanggap sa kaniya at pagbigay ng opportunidad na maka-duet ang kaniyang hinahangaang singers.
“Nagpasalamat po talaga ako sa kanilang lahat [sa Studio 7] kasi mga big stars po talaga 'yung nakakasama ko sa mga production.”
Dagdag niya, “Sina Ms. Lani, si Ate Julie, si Mr. Christian, si Sir Mark Bautista, hindi ko po inaakalang makakasali po ako at makaka-duet ko sila lalo na si Ms. Lani na naging judge ko sa The Clash.”
EXCLUSIVE: Golden Cañedo reveals secret to her beautiful voice
IN PHOTOS: Golden Cañedo's inspiring transformation