
Tila matatagalan pa bago muling mapanood ang 'Queen of Creative Collaboration' na si Heart Evangelista sa isang soap.
Huling gumawa ng primetime series si Heart noong 2017, kung saan bumida siya sa romantic-comedy series na My Korean Jagiya.
Ayon sa sagot ni Heart sa isang netizen sa Instagram, hindi niya 'priority' ang paggawa ng soap, pero dapat siyang abangan sa isang reality talent search soon sa Kapuso Network.
Binigyang linaw din ng Kapuso style icon ang maling akala na 'suplada' daw siya nang mag-reply sa post ng isa pang netizen.
READ: Heart Evangelista responds to 'ubanin' remark by a netizen