
Nakarating hanggang Amerika ang pagkakwela ng dating Alyas Robin Hood star na si Paolo Contis. Naroon siya kasama ang girlfriend na si LJ Reyes para magbakasyon.
Paolo Contis posts sweet birthday message for LJ Reyes
Dahil sa lamig doon, naging makata ito at pinost pa sa Instagram ang nagawang tula.
“Sa ngalan ng magandang litrato,
Titiisin ang kahit ano.
Hindi magpapahalatang nilalamig,
Ang tumbong kong nanginginig.
O Americang ubod ng ganda,
Lalo na’t kasama ang aking sinta.
Isa lang ang aking dalangin,???????
Utong ko sana’y huwag hanginin!???????
Dahil pag ito’y biglang nanigas,
Pag iyong pinitik, baka kumalas!”