
Idinaan sa biro ni Jackie Rice ang reaksiyon niya sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa listahan ng mga babaeng nagbibigay ng “escort service” sa isang website.
Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Jackie ng screenshot ng isang page ng website kung saan nakalagay ang ilang larawan niya at paglalarawan tungkol sa actress.
Nakalagay rin dito ang rate na “3 hours 2 pops PHP 2 million”
Sa caption ng larawan, pabirong sinabi ni Jackie, “Please check their site and book me now [praying and smile emojis].”
Nag-post din ang aktres ng ilang screenshot ng private messages sa kanya tungkol dito na pabiro din niyang sinagot.
Dahil trending ang kanyang pangalan, sinabi ni Jackie sa isang Instagram story, “Masyado akong trending, magpapataas na ako sa 2M [wacky emoji].”
Sa huli, tila in-enjoy na lang ni Jackie ang isyu.
Sabi ng StarStruck alumna, “13 years sa showbiz. Still trending padin. Thank you social media 🥳 here's my walang butt and buts for all [wacky emoji].”