What's Hot

READ: Jaclyn Jose, nagkuwento tungkol sa kanyang "no acting" acting

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 7, 2020 1:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



“Mahirap hindi umarte eh, lalo na medyo naka-campy tayo ngayon ‘di ba sa (GMA) 7, comedy, kontrabida, so we require a lot of facial movement..." - Jaclyn Jose


Sa pagbalik ni Jaclyn Jose ay mainit na sinalubong at binati ang hinirang na Best Actress sa Cannes Film Festival 2016 na ginanap sa France. Sa ekslusibong panayam niya sa 24 Oras ay ikinuwento ng batikang aktres ang kanyang mga naging karansan sa prestihiyosong event, kabilang na ang kanyang kakaibang atake sa pag-arte sa pelikulang 'Ma’ Rosa.'

Ani Jaclyn, hindi man lang sumagi sa kanyang isipan na maaari niyang iuwi ang mataas na parangal mula sa naturang award-giving body. Pinuri rin niya ang mga kasama niyang nominada bilang best actress.

READ: “They are all my idols” – Jaclyn Jose on beating fellow Best Actress nominees

Pahayag niya, “Basta hindi [ko inisip na] ako, kasi alam kong malalaking mga artista ‘to at mga beterana, at talagang Oscar winners. They’re my favorite actors also. So never in my wildest dream na mananalo ako. Isabelle Huppert is a dame in France, in Cannes. Marion Cotillard and may Charlize Theron pa. Marami pa. Magagaling din ‘yung mga ibang actress.”

Nagkuwento rin siya tungkol sa mga international stars na kanyang nakita sa Cannes.

“Nagsabi ako kay Donald Sutherland ng  ‘I’m a fan.’ Tapos si Kristen Dunst sinabi ko, ‘I’m a fan since 'I Want [Some] More,’ and she goes, ‘Vampire.’ She goes like that. Si Willem Dafoe. ‘Yun lang po ‘yung nakita ko sa loob pero after that dinala na po kasi ako sa area na para akala nila superstar ako dito,” bida niya.

Nakadalo na rin daw noon sa Cannes Film Festival si Jaclyn at nakapaglakad sa red carpet, kaya ang tanging nais niyang mangyari ngayon ay maibahagi lang ang karanasan na ito sa kanyang anak at kapwa artista na si Andi Eigenmann.

"I’m side by side with my daughter sa red carpet walk. ‘Yun lang naman ‘yung sabi ko na, ‘Okay na ‘to.’ Kasi never in my wildest dream talaga na I can win the Palme d’Or,” patuloy niya.

READ: Andi Eigenmann, proud kay Jaclyn Jose sa pagiging unang Pinay na nanalong Cannes Best Actress

Aminado ang batikang aktres na isang challenge sa kanya ang ginawang “no acting” acting sa 'Ma’ Rosa.'

Sambit niya, “Mahirap hindi umarte eh, lalo na medyo naka-campy tayo ngayon ‘di ba sa (GMA) 7, comedy, kontrabida, so we require a lot of facial movement. Galing naman po ako sa subtle acting, so siguro may maganda tayong nagawa doon sa eksena na nagustuhan. Ako, I’m proud po ako. Maganda po ‘yung movie namin.”

Wala mang ninais na dream role, para kay Jaclyn ay nakamit na niya ang kanyang dream trophy. Gayunpaman, may panawagan siya sa ating mga kababayan.

Aniya, “Binigyan po tayo ng parangal ng ibang bansa. Napaka-prestihiyoso po ng Cannes. Panoorin po natin ‘yung pelikula para naman po magkaroon ng saysay ‘yung paggawa namin. Maliban sa pagkuha nito (award) ay ang mensahe ng pelikula, ma-appreciate niyo po sana.”

Ngayon ay balik-trabaho si Jaclyn sa GMA Kapuso drama na The Millionaire’s Wife at para sa upcoming comedy sitcom na A1 Ko Sa’yo.

MORE ON JACLYN JOSE:

READ: Jaclyn Jose on offer to have a victory motorcade for her : “No need”

READ: Jaclyn Jose reacts to Maria Isabel Lopez’s scene-stealing moment in Cannes

#TRIVIA: Filipinos who bagged international acting awards