
Matapos maglabas ng sama ng loob sa una niyang Instagram post patungkol diumano sa joint custody petition na inihain ng kampo ni Jake Ejercito para sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie, sunod namang pinuntirya ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang mga bashers ng kaniyang anak.
Palaban ang naging mensahe nito sa lahat ng mga tao na sumisira sa anak sa social media.
Ani Jaclyn, “I bash nio ako i will take it all. Eto lang ang puede ko iragalo sa anak ko sa bday nia. Kayo mga bashers ni Andi? Kilala nio ba ang anak ko.most probobly not. I am speaking not for Andi but a grand mother to make Jake and her family not to take this for granted.na papatulan ko na kayo..”
MUST-READ: Jaclyn reacts to Jake Ejercito's petition for joint custody
Binigyang diin ni Jaclyn na nakahanda siya sa lahat ng mga bashers dahil walang hindi gagawin ang tulad niyang isang ina para sa anak.
May mensahe rin si Jaclyn para sa apo na si Ellie Eigenmann na handa raw niyang ipaglaban.
May hamon din ang 2016 Cannes Film Festival best actress kay Jake Ejercito.
Nagpaabot naman ng mensahe ng suporta ang aktres na si Sandy Andolong kay Jaclyn Jose na mabigat ang pinagdadaanan.