
"Bubully'hin [pa] din kita."
Iyan ang isang bahagi ng mensahe ng Kapuso actor na si Jak Roberto sa kanyang nakakabatang kapatid at kapwa actor na si Sanya Lopez na nagdiriwang ng kaniyang ika-23 birthday ngayong August 9.
Patuloy ni Jak, "Proud ako sa'yo kahit hindi halata! Nandito lang ako pag wala nang nakikinig sa pagbibida-bida mo."
Sinabihan pa ni Jak si Sanya na manlibre na ito.
Sagot ni Sanya, "Wala naman akong choiceeee. Thank youuu love youuuu kyaaa."
Sa Instagram post naman ni Sanya, ibinahagi niya ang isa video kung saan natamaan siya ng inihagis niyang mga regalo.
Binati rin ni Barbie Forteza at ng ibang Kapuso celebrities si Sanya.
Bilin ni Barbie kay Sanya, "Palaging makikinig kay kuya."