
Ilang netizens ang nakapansin sa naging palitan ng komento ng aktres na si Jasmine Curtis at isang follower nito sa Instagram.
Nag-post kasi ang kapatid ng Kapamilya actress na si Anne Curtis ng ilang photo niya sa Siargao kung saan kasama niya ang kaniyang boyfriend na si Jeff Ortega.
Isang netizen na si @glenda_julian ang nakapansin sa isang photo ni Jasmine na naka-blur.
Hindi man malinaw ang naging komento ng naturang netizen, dahil tila nabura na ang nauna niyang post, sumagot si Jasmine Curtis na hindi nabura na ang nauna niyang post, sumagot si Jasmine Curtis na hindi niya kinahihiya ang kaniyang mga stretch marks sa katawan.
Saad niya, “@glenda_julian I don't mind my stretch marks. They are part of who I am. No need for me to cover them up!
Nagpaliwanag naman ang naturang Instagram follower na fan din daw ng aktres at humingi ito ng paumanhin kung na-offend ang dalaga sa kaniyang comment.
“Yep that's why I said BAKA miss @jascurtissmith .. at maganda pa rin naman kahit meron, kasi ako meron din niyan. And like you I don't mind to cover them. I don't have any intention to insult or what. I am just sharing thoughts kung bakit naka-blur. Maybe dahil sa tubig or 'yun nga. Please don't get mad I am one of your fan. Sorry kung na-offend kayo sa comment ko..”
MORE ON JASMINE CURTIS:
Jasmine Curtis-Smith thanks AlDub fans
Jasmine at Anne Curtis, may sibling rivalry?