What's on TV

READ: Jean Garcia and Tonton Gutierrez, happy to work together after 16 years

By Felix Ilaya
Published September 8, 2018 10:00 AM PHT
Updated September 8, 2018 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung ano ang acting rule ni Jean Garcia na hindi pa rin nababago matapos ang 16 years ayon kay Tonton Gutierrez.

Masayang-masaya ang veteran actors na sina Jean Garcia at Tonton Gutierrez habang nasa Ika-5 Utos media conference dahil first time nila muling magkatrabaho after 16 years.

Unang nagtambal ang dalawa sa kabilang istasyon at muli nilang ipapamalas ang kanilang undeniable chemistry sa Ika-5 Utos.

Ayon kay Tonton, "After 16 years na hindi tayo nagkasama, I was really really excited to be working with Jean again kasi 'nung Pangako Sa 'yo, ang dami naming pinagdaanan. Hirap, dugo at pawis din 'yon. Na-miss ko siya talaga kasi hindi kami nagkasama after that. And surprisingly, ganoon pa rin ang feeling ko nung nagtatrabaho kami noong year 2000. Parehas pa rin 'yung tawa niya, hindi nagbago, parang hindi tumanda."

Biro pa ng aktor na isa raw sa hindi pinagbago ni Jean ay hindi pa rin daw ito nagpapa-kiss sa lips.

Dagdag naman ni Jean, matagal na silang magkaibigan kaya't sobrang komportable na sila sa isa't isa.

"Si Papa Ton, bago pa rin naman 'yung 16 years ago na show namin, magkaibigan na kami talaga. Nung nalaman ko na makakatrabaho ko siya ulit, I'm very excited tapos thrilled ako na makatrabaho siya tsaka makasama ulit. Nung nagte-taping na kami, ano pa rin same katulad ng sinabi niya. Isa kasi si Tonton sa komportable ako ka-eksena, walang malisya, walang kaba. Very comfortable," wika ni Jean.

Abangan ang balik tambalan nina Jean at Tonton sa Ika-5 Utos, ngayong Lunes (September 10) na pagkatapos ng Eat Bulaga.