What's Hot

READ: Jennica Uytingco, inaming naiiyak daw sa pag-alaga ng dalawang bata

Published July 17, 2018 10:33 AM PHT
Updated July 17, 2018 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



Ipinagdiwang ni Jennica Uytingco ang third birthday ng kaniyang panganay na si Baby Mori at may isinulat siyang madamdaming mensahe para rito.

Ipinagdiwang ni Jennica Uytingco ang third birthday ng kaniyang panganay na si Baby Mori. Sa isang Instagram post, isang madamdaming liham ang kaniyang iniwan para rito.

 

Mahal kong Athena Mori, Tatlong taon ka na anak. Isusulat ko rin itong mensahe ko saiyo sa papel at ilalagay ko sa family album natin para mabasa mo pag malaki ka na. Anak alam mo ang pangarap namin ng Tatay mo, lima kayong magiging mga anak namin. Pero simula ng nabiyayaan tayo ng Alessi, natigilan ang Nanay. May mga gabi na pag wala ang Tatay Alwyn nasa trabaho naiiyak ako. Nag gabi na, nakatulog ka na pero hindi na natin nagagawa ang mga nagagawa natin nuon. Maraming kantahan, walang sawang luto lutuoan. Ikaw ang may-ari ng karenderia at cook habang ako loyal customer mo. Guguhit tayo gamit ang mga pangkulay mo tapos magkwekwento ko gamit ang mga laruan mong gawa sa kahoy. Bigla ako napa isip na okay na. Kung kayong dalawa na lang ni Alessi okay na ang Nanay. Kasi anak iniwan ni Nanay ang lahat ng meron siya nuon para masigurado ko na buong buo ko maibibigay ang sarili ko sayo. Mahal na mahal ko kayo ni Alessi, Ate Mori at pangako ko saiyo na sisikapin kong maging the best na Nanay para saiyo. Konting adjustment lang Ate Mori kasi kailangan din ako ni Baby Alessi pero dadating yung araw na maibabalik na natin yung mga dati nating ginagawa at magiging mas masaya tayo kasi nadagdagan tayo ng kalaro at makakasama sa buhay. Maligayang kaarawan Ate Mori! Mahal na mahal ka namin. Hinding hindi ko kayo ipagpapalit ni Baby Alessi at Tatay Alwyn. I love you!

A post shared by Kalinga Ni Nanay (@jennicauytingco) on


"Mahal kong Athena Mori, tatlong taon ka na anak. Isusulat ko rin itong mensahe ko sa iyo sa papel at ilalagay ko sa family album natin para mabasa mo 'pag malaki ka na."

Dahil sa kapapanganak lang ni Jennica sa kaniyang bunso na si Baby Alessi, inamin niya na nahihirapan daw siya.

"Anak alam mo ang pangarap namin ng Tatay mo, lima kayong magiging mga anak namin. Pero simula ng nabiyayaan tayo ng Alessi, natigilan ang Nanay. May mga gabi na 'pag wala ang Tatay Alwyn nasa trabaho naiiyak ako. Naggabi na, nakatulog ka na pero hindi na natin nagagawa ang mga nagagawa natin nuon. Maraming kantahan, walang sawang luto lutuoan. Ikaw ang may-ari ng karenderia at cook habang ako loyal customer mo. Guguhit tayo gamit ang mga pangkulay mo tapos magkwekwento ko gamit ang mga laruan mong gawa sa kahoy," ani Jennica.

Dito rin ibinahagi ng dating aktres na isa sa mga dahilan kung bakit nilisan niya ang showbiz ay para magabayan niya ng mabuti ang kaniyang mga anak.

Ayon sa kaniya, "Bigla ako napaisip na okay na. Kung kayong dalawa na lang ni Alessi okay na ang Nanay. Kasi anak iniwan ni Nanay ang lahat ng meron siya nuon para masigurado ko na buong buo ko maibibigay ang sarili ko sa 'yo."

Sa huli ay binati niya ang anak ng maligayang kaarawan. "Mahal na mahal ko kayo ni Alessi, Ate Mori at pangako ko sa iyo na sisikapin kong maging the best na Nanay para sa iyo. Konting adjustment lang Ate Mori kasi kailangan din ako ni Baby Alessi pero dadating 'yung araw na maibabalik na natin 'yung mga dati nating ginagawa at magiging mas masaya tayo kasi nadagdagan tayo ng kalaro at makakasama sa buhay. Maligayang kaarawan Ate Mori! Mahal na mahal ka namin. Hinding hindi ko kayo ipagpapalit ni Baby Alessi at Tatay Alwyn. I love you!"