What's Hot

READ: Jinkee Pacquiao clears money issue with Claudine Barretto: "Wala siyang utang."

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 28, 2019 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Gretchen Barretto, natukoy na nila kung sino ang nagpakalat ng “utang issue” sa pagitan ng nakababatang kapatid niyang si Claudine Barreto at Jinkee Pacquiao. Alamin dito:

Nilinaw ni Jinkee Pacquiao na walang utang sa kaniya ang aktres na si Claudine Barretto matapos magkaroon ng issue sa pagitan nilang dalawa.

Jinkee Pacquiao
Jinkee Pacquiao

Inakusahan ng beteranang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na hindi pa nakapagbabayad ng utang si Claudine kay Jinkee.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Claudine ang komento ni Jinkee nang siya ay mag-Instagram live.

"Mare, ipapaalam ko lang sa kanila na wala kang utang sa akin.At wala din tayong business. Masaya ako na friends tayo at kumare kita. I love u mare!" komento ni Jinkee.

Thank u for clearing my name @jinkeepacquiao

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Nagbigay din ng pahayag ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen, na nagsabing ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie ang nagpapakalat ng issue.

"@jinkeepacquiao Thank you so much for clearing this issue," sabi ni Gretchen sa post ni Claudine.

"I will be forever grateful to you. I am not blaming my friend tita cristy fermin & tota Lolit [Solis].

"We investigated and was told that Marjorie Barretto is the [one] spreading the (utang issue). Low blow."

Nag-react naman si Lolit sa pagtawag sa kaniya ni Gretchen ng 'tota' sa kaniyang Instagram.

"Naku ha hindi ko kaya powers ni Gretchen Barretto," panimula ni Lolit.

"Ano ang magagawa ng isang 72 years old powerless na senior citizen na tulad ko sa isang very powerful, mayaman at reyna ng kagandahan tulad ni Gretchen?

"Siyempre ang manginig sa takot dahil hindi mo alam how far Gretchen will go sa threat niya sa isang powerless, moneyless old woman na tinatawag niyang Tota Lolit.

"Well, I cannot simply say sorry dahil siyempre baka hindi niya tanggapin. So whatever Gretchen feels to do with a powerless, moneyless, old senior woman like me, tanggapin ko na lang."

Naku ha hindi ko kaya powers ni Gretchen Barretto Salve. Ano ang magagawa ng isang 72 years old powerless na senior citizen na tulad ko sa isang very powerful, mayaman at reyna ng kagandahan tulad ni Gretchen? Siyempre ang manginig sa takot dahil hindi mo alam how far Gretchen will go sa threat niya sa isang powerless, moneyless old woman na tinatawag niyang Tota Lolit. Cute ni Gretchen ha, hindi ko akalain kahit galit siya hindi nawawala ang wit niya para maisip ang Tota Lolit. At least, dahil dog lover ako, bagay sa akin. Well, I cannot simply say SORRY dahil siyempre baka hindi niya tanggapin. So whatever Gretchen feels to do with a powerless, moneyless, old senior woman like me, tanggapin ko na lang. Kung saan puwede humantong galit niya, what can I do ? Sleepless nights and stress might kill me, but ito usually ang payment sa ginawa mo na hindi matanggap ng iba, so Take It Per Minute, kung anuman ang mangyari. Hay naku, when you are 72, life is like a chocolate, you don't know what flavor you will get inside the box of different flavors, bitter, sweet, sour or dark or white. #classiclolita #takeitperminute #72naakosamay

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on