
Raw and honest ang dalawang salitang makakapaglarawan sa isinulat ni Joyce Pring sa kanyang online journal na joycepring.com. Sa kanyang entry na "Mga Pagbabago" ay inilahad ni Joyce ang tunay na estado ng kanyang puso.
Kuwento ni Joyce kung paano niya nakasama sa isang almusal ang taong kanyang minahal at patuloy na minamahal. "Dalawang libo, walong daan, limampu't pitong segundo na ang nakakalipas at heto pa rin ako, tulala sa pader kung saan ikaw ay nakasandal nang mag-almusal tayo kaninang umaga. Hindi ka pa rin nagbago, alam mo ba yun?"
Ayon sa Kapuso star ay puno pa rin ng lungkot at panghihinayang ang kanyang puso kaya hindi niya masabi ang tunay niyang nararamdaman.
"Heto parin ako, apat na buwan na ang lumipas mula ng tayo’y mapagod; apat na taon na ang dumaan mula nung una tayong ginanahan mag-mahal, at ikaw pa rin ang leading man sa bawat istorya ng buhay ko. Marami akong tanong, at marami din akong sagot sa bawat tanong na alam kong never mong itatanong kasi ma-pride kang tao. Pero hanggang dito na nga lang ata tayo."
Sa isang bahagi ay inilahad ni Joyce ang kanyang saloobin sa muling pagkikita ng kanyang "leading man."
"Ikaw lang ang gusto kong makasalo pag almusal, at ikaw lang ang ninanais ko mahagkan habang tahimik na bumubuhos ang ulan. Walang pagbabago, wala nang iba; ikaw pa rin, ikaw lamang, ako nalang ulit sana."
Joyce Pring is one of the newest GMA Artist Center talents. Know more about her through her social media accounts:
Facebook: @JoycePringPage or Joyce Pring
Instagram: @joycepring
Twiiter: @joycepring
Blog: Joyce To The World at joycepring.com
Know more about her in these videos:
Joyce gives 5 tips on moving on