What's on TV

READ: Julie Anne San Jose gives advice to The Clash alumni

By Gia Allana Soriano
Published October 17, 2018 6:20 PM PHT
Updated October 17, 2018 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Julie Anne San Jose to newbie singers joining her in Studio 7, “Just keep on doing what you're doing, just love what you do.”

Nagbigay ng payo si Julie Anne San Jose sa mga baguhang singers na makakasama niya musical variety show na Studio 7.

Bukod sa mga kilalang singers na sina Mark Bautista at Christian Bautista, magiging bahagi rin ng Studio 7 ang finalists ng katatapos lamang na singing talent search show na The Clash.

Sabi ng Asia's Pop Sweetheart,"Kasi po ako, bata pa lang ako kumanta na ako. [Around] two [years old] pa lang ako, kumakanta na ako.

“So, I guess 'yun po 'yung... if you're really passionate about something po kasi talagang gugustuhin mong gawin, e.

“And ako, ever since, sobrang passionate ko about music, about singing.”

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps) on


Ikinuwento rin ni Julie ang pagsali niya noong sa singing competitions tulad ng The Clash.

Wika niya, "'Yung pagsali ko po sa contests, 'yung medyo bata pa rin po ako nun. I was turning 12 actually [nung sumali ako sa contests.]

“And ako, natalo, rin po ako sa contest, pero sabi ko sa sarili ko parang siguro nga hindi ito binibigay para sa akin ni Lord.

“Pero sabi ko, gusto ko pa rin kumanta. And I started liking it already. And as long as gusto mo talaga 'yung ginagawa mo, gusto mo 'yung craft mo, no one's... parang walang makakapigil talaga sayo."

Dagdag pa niya, "'Tsaka, ang advice ko lang sa mga bago po naming kasama sa show, just keep on doing what you're doing, just love what you do. Just always ask guidance from the Lord, sa lahat ng ginagawa niyo araw araw.

“'Tsaka never get tired of singing, of performing, kasi ano 'yan, e, lahat 'yan nanggagaling sa puso mo.

“Dapat laging nanggagaling sa puso mo 'yung ginagawa mo kasi, the end of the day, 'yun talaga 'yung totoong magpapasaya sayo."

Diin pa ni Julie, "'Wag susuko. Kasi dumaan na rin po ako sa stage na 'yan, e.

“Marami na rin akong challenges na napagdaanan. Dito po sa career ko sa GMA, ilang taon na rin po ako sa GMA, dito na rin ako lumaki.

“Kahit bata pa po ako, alam ko na medyo marami na rin akong napagdaanan dito sa buhay ko, sa private life ko, sa public life ko.

“Ito rin po siguro 'yung part sa sarili ko na gusto ko rin ibahagi sa ibang tao.

“Importante rin po talaga na patient ka, and kailangan sobrang hardworking mo. And always be grateful for what you have, always thank the Lord."