What's on TV

READ: Julie Anne San Jose, hirap mamili kina Kiko Estrada at Gil Cuerva

By Aedrianne Acar
Published May 24, 2018 3:09 PM PHT
Updated May 24, 2018 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News



Paano ka nga pipili kung dalawang guwapong lalaki ang mag-aagawan sa iyo tulad nina Kiko Estrada at Gil Cuerva? Alamin ang sagot ni Julie Anne San Jose.

Paano ka nga pipili kung dalawang guwapong lalaki ang mag-aagawan sa iyo tulad nina Kiko Estrada at Gil Cuerva?

 

 

Kaya naman lito ang My Guitar Princess star na si Julie Anne San Jose nang tanungin siya ng entertainment press kung sino ang mas bagay sa character niya sa show na si Celina.

Gumaganap na Elton ang Kapuso model/actor na child hood friend ni Celina. Samantalang si Kiko naman ay si Justin na  tumutulong kay Guitar Princess na tuparin ang kaniyang mga pangarap na sumikat online.

Paliwanag ni Julie Anne, “Hindi ko po alam [laughs]. Hindi ko po alam, magkaiba po kasi si Elton, si Gil, si Justine, si Kiko. So magkaiba po silang dalawa, bale si Kiko [Estrada] medyo seryoso kasi. Actually parehas silang seryoso, pero magkaiba sila, kumbaga ‘yung relationship ng character, ‘yung relationship ni Celina kay Elton parang wow child hood friends kami, like magkababata kami. So, parang iniisip mo wow siya na kaya?”

Wala rin daw nakakalamang sa dalawang Kapuso hotties sa pagiging close o sweet sa kaniya. Kahit din daw ang mga fans niya hirap din mamili kung sino ang dapat makatuluyan ng karakter niya in the end.

Pero aminado ang Asia’s Pop Sweetheart na mas makulit ang anak ng veteran actor na si Gary Estrada kaysa sa gumanap na Matteo Do ng My Love From The Star.

Aniya, “Mas makulit si Kiko. Iba ‘yung kulit ni Kiko, iba ‘yung kulit ni Gil. Si Kiko mas madaldal, I guess. Actually, lahat naman kami madaldal, pero si Gil kasi minsan medyo tahimik pa siya sa una, medyo chill kasi siyang tao. May sarili siyang humor, ‘yung akala mo seryoso siya pero joke na pala ganun.”

Huwag palampasin ang nakakakilig na episode ng My Guitar Princess, weekday mornings bago ang Eat Bulaga!