
Hot topic sa social media ang sunod-sunod na banat ng 2016 Cannes Film Festival best actress Jaclyn Jose sa Instagram laban kay Jake Ejercito at ina nito na si Laarni Enriquez.
READ: Jaclyn Jose, naglabas ng sama ng loob laban kina Jake Ejercito at Laarni Enriquez
Maanghang ang mga naging pahayag ni Jaclyn sa ama ng kaniyang apo na si Ellie Eigenmann, bunsod ng ikinasang petition for joint custody ng mga Ejercito.
Nag-tweet ang lawyer ni Jake na si Atty. Ferdinand Topacio patungkol sa mga birada ni Jaclyn sa image-sharing platform patungkol sa kaniyang mga kliyente.
Matipid pero makahulugan ang naging reaksiyon ng kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito sa mga patutsada ng veteran actress laban sa kaniyang pamilya.
Tila hindi naman hinahayaan ni Jake na makaepekto sa relasyon niya kay Ellie ang mga naging pahayag ni Jaclyn laban sa kaniya.
Sa post niya sa Instagram, ipinasilip nito ang ginawang pagbisita ni Ellie sa opisina ng kaniyang lolo na si Manila City mayor Joseph Ejercito-Estada.