What's Hot

READ: Kapuso comedy genius Michael V, nagsalita sa paglipat ni Regine Velasquez-Alcasid

By Aedrianne Acar
Published November 12, 2018 4:10 PM PHT
Updated November 12, 2018 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bureau of Customs dialogue and delivery rollout of abandoned balikbayan boxes (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Michael V. on network transfer: “Sa ngayon, ako, wala pang reason.”

Nagbigay ng pahayag ang Bubble Gang pioneer tungkol sa paglipat ng showbiz couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, emosyonal na nagpasalamat sa GMA

Sa panayam ng Kapuso comedy genius sa star-studded mediacon ng Bubble Gang para sa kanilang 23rd anniversary ngayong Lunes, November 12, sinabi ni Bitoy na masaya siya na ang mga dati niyang katrabaho ay may projects sa rival network.

“I'm really-really happy for them,” sabi ni Bitoy.

“Hindi mo dapat bakuran talaga ang sarili mo.

“Kahit ako, for myself, hindi ko naman ini-imagine na nagpapa-iwan ako sa isang lugar ko na hindi nag-i-improve 'yung ginagawa ko or 'yung talent.”

“Ngayon, if you feel the need to do it, you have every reason, you have every right to do it.

“Sa ngayon, ako, wala pang reason.”

Naiintindihan din ni Michael V. ang naging desisyon ng mga kaibigan niya na sina Ogie at Regine sa desisyon nilang lumipat ng home network.

Matatandaan na matagal na nakasama ng Kapuso comedy genius si Ogie sa Bubble Gang bago ito umalis ng GMA-7 noong 2013.

“Yeah, of course, definitely 'yun lalo si Ogie [Alcasid] at si Regine [Velasquez] kapitbahay namin yan; and from time to time, talagang nagkaka-usap kami, nagkaka-inuman kami, nagkakalabasan ng mga problema.

“And yes I think matagal na 'to, nakatadhana na talagang mangyari.”

“And 'yung decision na 'yun nila I think it's for the best, hindi lang para sa kanila, kundi para sa audience.”