What's Hot

READ: Keanna Reeves, na-awkward nang makaharap ang ex-girlfriend ng dati niyang nakasiping na TV host

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Umaasa si Keanna na mababasa ng aktres ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.


Humingi ng paumanhin si Keanna Reeves sa isang hindi pinangalanang aktres dahil nakaramdam siya ng awkwardness matapos maungkat ang nangyari sa pagitan niya at sa isa pang celebrity na ex-boyfriend nito.

Umaasa si Keanna na mababasa ng aktres ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Panimula niya, “Awkward moment sa akin ‘yung nangyari. Accidentally, nag-meet kami ni ex-girlfriend (actress) ng ex-boyfriend (TV host). Nagbatian pa kami at biniro pa nga ako ni actress tapos bigla niyang tinanong sa akin about doon daw sa napabalita na may nangyari sa amin ng ex-boyfriend niya. “

Hindi daw niya inasahang tatanungin siya ng personal ng aktres tungkol sa pangyayaring ito, ngunit ayaw din daw niyang magmukhang sinungaling kaya kinumpirma niya ang kuwento.

Ani Keanna, “Syempre, sinabi ko na, ‘Bakit, ‘di ka ba naniniwala?’”

Patuloy pa niya, “Di ko alam kung na-hurt siya kasi di siya nakakibo, pero di ko sadya saktan siya kasi sobrang tagal na nun at di ko alam kung sila na ba that time.”

Nagpaabot ng mensahe si Keanna sa dulo ng kanyang post.

Sambit niya, “Kung nasaktan man kita (actress), I’m sorry. Di ko hangad na saktan ka. Kasi babae din ako. I was single then at ang alam ko single din si TV host noon. I respect you a lot ‘coz you’re a nice person. Again, sorry kung nasabi ko sa’yo ang totoo. Di ko sinadya.”

MORE ON KEANNA REEVES:

IN PHOTOS: 6 male celebs na sangkot sa pasabog ni Keanna Reeves

READ: Angel Locsin reacts to Keanna Reeves's revelation about ex-boyfriend Luis Manzano