
"Madami na akong na-experience na hindi mararanasan ng typical na 17-year-old." - Klea
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Klea Pineda ang kaniyang first anniversary sa showbiz kaya't sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa young Kapuso actress, hindi niya napigilang magbalik-tanaw sa isang taong nakalipas.
Ayon kay Klea, "Sobrang napansin ko na nag-grow na ako as an artista. Madami na akong na-experience na hindi mararanasan ng typical na 17-year-old at talagang thankful ako sa mga nangyayari gaya ng endorsements and projects."
Maliban dito, sobrang saya din ni Klea sapagka't wagi pagdating sa ratings ang Encantadia at aniya, "Thank you sa family ko at sa staff at production. Nagpapasalamat din ako lalo na sa mga nanonood talaga, sila 'yung nandiyan para tumaas 'yung ratings namin. Kung hindi sila nanonood talagang walang mangyayari. At thankful talaga ako kay Lord na napasama ako dito sa Encantadia 2016."
More power to you, Klea!
MORE ON KLEA PINEDA:
Jak Roberto, Klea Pineda, and Lharby Policarpio grace the Manila Fashion Festival 2016
WATCH: Klea Pineda, isang #Hugotera?
Klea Pineda, inamin na ilang beses na siyang napaiyak ni Migo Adecer