
Nanggagalaiti sa galit si Kris Aquino sa kanyang Instagram post ngayong araw, Aug. 15, patungkol sa malisyosong headline na isinulat ng veteran showbiz reporter na si Ricky Lo sa isang pahayagan.
WATCH: Grand birthday celebration of James Yap's son, Baby MJ
Hindi napigilan ng Queen of All Media na maglabas ng sama ng loob matapos mabasa ang artikulo ni Ricky na may headline na “Bimby no-show at MJ’s party.”
Parehas na naging hosts ng defunct showbiz talk show na Startalk sina Kris at Ricky.
Ayon kay Kris, “Marami na 'kong pinalampas na mga binalita mo about me because I figured for as long as 'di ko na lang patulan - 'di na hahaba pa ang issue. I also reminded myself about all the times you showed me compassion... Pero 'pag mga bata na ang nasa HEADLINE, like any parent - I am PROTESTING: FOUL & UNCALLED FOR.”
Nakakapikon din, ayon kay Kris, ang ginawa ni Ricky na hindi man lang kinuha ang panig nila, patungkol sa hindi pagpunta ni Bimby sa first birthday celebration ng kaniyang kapatid sa ama na si Michael James Yap.
“NAKAKAPIKON KASI ANAK KO ANG HINEADLINE without trying to get our side of the story - madali akong mahanap, so many of your Philippine Star office mates have direct communication w/ my family-oh yeah, kung tinawagan nga pala ko, eh di walang maintrigang headline.”
Dagdag niya, “Touch me and you won't get a reaction - I think I've proven that countless times. But write something unverified and meant to put my son in a bad light and you unleash the TIGER MOM in me. I know you are much older and I should be respectful BUT PLEASE RESPECT my rights as a MOTHER.”
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Ricky sa mga naging patutsada ni Kris laban sa kaniya.
#ICYMI: Here's what we know about Kris Aquino's Hollywood movie