
Naging open sa pagsagot ang Queen of All Media at content creator na si Kris Aquino sa mga tanong ng netizens sa ginawa niyang Instagram Q&A last July 1.
LOOK: Is Atty. Gideon Peña, the new 'James' in Kris Aquino's life?
Isa sa mga tanong na pumukaw sa atensyon ng mga netizens ay ang naging sagot ni Kris patungkol sa akusasyon ng mga bashers na manggagamit siya.
Ayon sa tanong ni @jann624, diretsahan niyang hiningi ang opinyon ng celebrity TV host kung ano ang tugon niya sa mga taong nagsasabing dumidikit siya sa mga sikat para mapag-usapan.
Reply ni Kris, “I believe it is unfair to say I rode on anybody’s coattails.”
May mga netizens din na nagtanong kung friends pa rin sila nina Boy Abunda at Vice Ganda.