
Matapang ang naging pahayag ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga bumabatikos sa kaniya online.
READ: Kris Aquino on nose job allegation: 'You totally flatter me.'
Makikita sa comment section ng Instagram account ni Kris ang mga maanghang niyang reply sa kaniyang bashers.
Isa sa mga sinagot ni Kris ang netizen na nagsabing “feeling sikat” siya.
Agad na nag-reply ang TV host/actress/celebrity influencer, “Dito kita sasagutin, kasi may mga taong kagaya mo na mag aaksaya ng panahon para gumawa ng FAKE ACCOUNT para magpa-pansin. That means I am RELEVANT.”
Pinatulan din ni Kris ang opinyon ng isang netizen komentong “masyado siyang OA.”
Sagot ni Kris, “Because ang pagka-OA binabagay sa level ng ganda at talino.”
Naging laman ng balita si Kris kamakailan matapos niyang sampahan ng reklamong qualified theft ang dati niyang talent manager att business partner na si Nicardo “Nicko” Falcis II.
Kris Aquino to attend preliminary hearing of her complaint vs financial abuser
Nagsampa din ng cyberlibel complaint si Kris Aquino laban sa nakababatang kapatid ni Nicko, si Jesus Falcis III, kaugnay ng mga diumano'y defamatory statements nito laban sa kaniya sa social media.
Kris Aquino files cyberlibel raps vs. ex-business partner's brother