
Palaban pa rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga bashers niya online na patuloy ang pagko-comment sa kaniyang mga social media posts.
Kamakailan lang may post si Kris patungkol sa bagong James sa buhay niya na si James Lim na Corporate Communications and Digital Head ng kumpanya na NutriAsia.“Thank you to the new James in my life, @jampackedbear, #NUTRIASIA’s Corporate
Communications & Digital Head. Thank you for the trust & the privilege you’re giving Bimb & me to endorse 3 of your products! May bagong James (Lim) na pumasok sa puso ko ... thank you”
Makikita sa comments section ng naturang post ni Kris ang sinabi ng netizen na si @lolamaja.dera na itigil na ng aktres ang mga patutsada nito sa kaniyang ex-husband na si James Yap.
Silipin ang reply ni Kris Aquino sa kaniyang basher.
May pahabol post din sa Instagram ang nakababatang kapatid ni former President Benigno “Noynoy” Simeon Aquino III para sa mga taong gustong bumasag daw sa kaniyang trip.
“As i was reading realized yung mga trip bumasag ng trip ng iba makakahanap ng “something” kung puriin ko si Lebron JAMES, JAMES CORDEN, JAMES REID, or gamitin kong background music si JAMES Ingram, JAMES Taylor, or JAMES Blunt... not to mention my super favorite author JAMES Patterson. Pati na rin kung mag quote ako ng Biblical verse na James 1:17 Every good & perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights, who does not change like shifting shadows.)”
Matatandaan na hindi nagustuhan ni Kris ang birthday message ni James para sa kanilang anak na si Bimby last April 2018. Base sa kaniyang post, hindi daw naging ama ang PBA superstar sa kanilang anak at hindi din daw nagawa nitong maipagtanggol si Bimby matapos i-bully ng isang TV broadcaster.