
Ipinagtanggol ng mga malalapit na kaibigan ni Queen of All Media Kris Aquino mula sa mga banat ng isang basher niya sa Instagram.
Makikita sa comment section ng Instagram ang masasakit na salita na binitawan ni @leecoj888888 laban kay Kris nang akusahan ng netizen ang TV host na ipinapahiya nito ang mga kaibigan na sina @rbchanco at @jacksalvador.
Si RB Chanco ay isang professional make-up artist at staff naman ni Kris Aquino si Jack Salvador.
Heto ang ilan sa mga puna ni @leecoj888888 sa bunsong anak nina Ninoy at Cory Aquino.
“Utang na loob kahit friends kayo ni @rbchanco bakit mo ipapahiya yung tao na sabihin that you would only be flattered to be compared to RB if she had her teeth fixed.”
“You also did that to @jacksalvador inside the elevator… commenting on camera that Jack should not make siksikan and take the next lift instead.”
Ikinumpara din ng basher si Kris sa tatlong Cojuangco sisters na sina Mikee, China at Maimai na mga anak ng politician at philanthropist Margarita “Tingting” delos Reyes at Jose “Peping” Cojuangco Jr.
Agad naman dinipensehan nina @rbchanco at @jacksalvador ang kaibigan nila na si Kris sa mga akusasyon ni @leecoj888888.

Hindi naman pinalagpas ng Queen of All Media ang paninira sa kaniya ng naturang netizen at naglabas siya ng mahabang pahayag sa pamamagitan ng Instagram Stories.
Isa sa mga sinagot ni Krissy ang pagkumpara sa kaniya ng basher sa mga anak ni Peping at Tingting Cojuangco.
“You compare me with 3 other women na last name Cojuangco din- did it ever enter your mind that they’ve always had both parents? Do I need to bring up that their parents publicly shamed my brother & told him to resign.”
May ibinahagi din si Kris Aquino patungkol sa pagbalik niya sa Kapamilya Network taong 1996 na pinagilitan daw siya ng kaniyang ina na si former President Cory Aquino.
Matatandaan na naging parte si Kris Aquino ng long-running Kapuso showbiz talkshow na Startalk taong 1995.
“Who was the most pained when i 1st lost my work in ABS? MY MOM. Sino ‘yung, hindi kami okay pero worried dahil baka kung anong mangyari sa bunso ang nakiusap nung 1995 na bigyan ako ng chance ng GMA with Startalk? That was my Mom. Sino, ang pinagalitan nung 1996 kasi nag-ABS ako & natakot na baka magrepeat yung 1992 experience? My Mom.”