
Simple pero malaman ang birthday message ni Kylie Padilla para sa kanyang inang si Liezl Sicangco.
Sa Australia na nakabase ang dating aktres, ngunit kasalukuyan siyang nasa bansa para makasama ang kanyang apong si Alas Joaquin.
LOOK: Robin Padilla's ex-wife Liezl Sicangco bonds with Baby Alas
Ani Kylie sa Instagram, "Happy birthday mother dear. Masaya ako nakakabawi ako sayo... nag papasalamat ako na kasama kita araw araw. Namiss kita. Sobra. I love you."
Nagbigay din ng reaksyon ang bagong asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa heartwarming post ng Kapuso actress.
Si Kylie ay pangalawa sa apat na anak ng dating mag-asawang sina Robin at Liezl. Ang tatlo pa nilang mga anak ay sina Queenie, na dati ring aktres; Zhen-Zhen; at Ali.