
Isa si Lolit Solis, kilalang manager at showbiz columnist, sa mga guests sa kasalang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na ginanap sa Paris.
Kabilang din si Manay Lolit sa dumalo sa welcome dinner kung saan nag-cruise ang mga bisita sa River Siene.
Dito napagtanto ni Manay Lolit ang kaniyang pagiging "barriotic."
Aniya, "Tanggap ko na ngayon ang pagiging barriotic ko. Sa true lang, hindi ko na feel iyong romantic feeling na sabi nila ay mararamdaman mo sa cruising ng River Seine."
Ayon kay Manay Lolit, ang nadama niya ay kung gaano kamahal ng mga bisita niya si Dra. Vicki.
Kabilang sa mga bisita ang mga topnotch society memebers na sina Isabel Prysler, Babette Aquino, Benoit Mario Katigbak, Ben Chan, Miguel Pastor at Margie Moran.
Naroon din ang mga naglalakihang bituin sa showbiz na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, ang kanilang anak na si Zia, si Rhian Ramos, Jinkee Pacquiao, Korina Sanchez, Dyan Castillejo, Lovi Poe, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla at boyfriend na si Conrad Onglao, ang pamilya Gomez na sina Richard, Lucy at Julianna, sina Ogie Alcasid with former wife Michelle Van Eimeren and daughters, atbp!
Mayroon ding mga doctors at politicians on board.
Sa tantiya ni Manay Lolit, may mahigit 200 daw ang nakasakay sa boat.
"Pero iyon lang na feel ko, dazzling feeling ng mga nandun sa welcome dinner. Pero sa isang barriotic na tulad ko iyon lang, party sa river, iyon naghahalikan sa deck sila Derek Ramsay at girlfriend, si Kim Atienza and wife Felicia, mga bf-gf, married couples na nandun nang umilaw ang Eiffel Tower. Hay naku, iyon appreciation ng isang social climber na tulad ko may limitation pala..."
Basahin ang buong post dito: