
Sa kanyang post sa Instagram, isang mahabang mensahe patungkol sa kanyang alagang si Bong Revilla ang ibinahagi ng beteranang showbiz personality/manager na si Lolit Solis.
"I hate Bong Revilla Salve," ang bungad ni Manay Lolit.
"I hate his calmness, his acceptance, his passive and positive outlook sa mga naganap sa buhay niya. Revolting for me na 4 years hindi pa natapos ang issue ng PDAF pero nasira na ang pangalan at buhay ni Bong. Now that most of the witness recanted, ano na ang mangyayari? Kung sakali mapatunayan na wala pala siyang kinalaman, what? Puwede pa ba ibalik 4 years? Puwede pa linisin pangalan mo? Ano puwedeng ibayad sa iyo? How will you redeem yourself?" Ito ang mahaba niyang litanya na halatang puno ng emosyon at panghihinayang.
Pagpapatuloy pa niya, humanga siya sa naging disposisyon ng kanyang alaga sa kabila ng mga nangyari at pagkakakulong nito ng ilang taon.
"Hindi ko akalain na makikita ang ganung strength of character kay Bong. Inakala ko nung una na bibigay siya, hindi niya makakaya, tatalunin siya ng lungkot. Pero hindi, he stand tall, he still believed in justice, the power of prayers and fairness."
Sa huli, tila isang inang nangungulila at puno ng pag-asa ang mensaheng iniwan niya para kay Bong.
"I hate you Bong, pero dahil birthday mo, I wish you happiness in whatever situation you are right now, and thank you for not losing hope, thank you for still believing in the goodness of our Father."
Bago naging pulitiko, nakilala si Bong Revilla sa showbiz bilang action star at napanood sa shows ng Kapuso Network na Indio, Idol Ko Si Kap, Kap's Amazing Stories at iba pa,