What's Hot

READ: Lolit Solis, ikinalungkot ang pagkakaroon ng lupus ni Kris Aquino

By Jansen Ramos
Published January 7, 2019 4:59 PM PHT
Updated January 7, 2019 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (April 17, 2026)
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Lolit Solis, tiwala na malalagpasan ni Kris Aquino ang mga pagsubok sa buhay niya ngayon, “Si Kris pa, kaya niyang ihandle lahat ng gulo sa paligid niya.”

Nalungkot ang batikang entertainment columnist na si Lolit Solis matapos malaman na may sakit na lupus si Queen Of All Media Kris Aquino.

Kris Aquino
Kris Aquino

Kris Aquino says she suffers from a 'form of lupus'

Ayon sa dating Startalk host, bilib siya sa pagiging ina ni Kris dahil sa kabila ng kalagayan nito ay prioridad pa rin ng media personality ang kaniyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Bahagi ni Lolit, "I feel sad sa mga nangyayari ngayon sa buhay ni Kris Aquino, Salve. Imagine na magkaroon ka ng lupus [kung totoo ngang may lupus siya] at may 2 anak na inaalagaan.

"Si Kris kahit nandiyan ang mga kapatid, lagi pa rin sa isip niya sino ang mag-aalaga kay Josh at Bimby kung sakali.

“Ito ang lagi niyang sinasabi, mahalaga sa kaniya ma-secure ang future ng dalawang anak.”

A timeline of Kris Aquino's health scar

Pero kahit na may iniindang sakit si Kris, tiwala si Lolit na malalagpasan nito ang kinakaharap na legal battle kontra sa finance expert at former business partner nitong si Nicko Falcis.

Ani Lolit, "Dagdag na stress pa ngayon iyon pagsali ni Gretchen Barretto sa usapan ng Kris at Nicko Falcis.

“Naku, si Kris pa, kaya niyang ihandle lahat ng gulo sa paligid niya.

“Mukha lang siyang fragile, but very strong kaya sure ako pass in flying colors ang Kris sa mga issues. Now na mukhang madali nang i-handle ang lupus kesa nun panahon ni Marcos, mas magiging magaan na ang pagdadala ni Kris."

View this post on Instagram

I feel sad sa mga nangyayari ngayon sa buhay ni Kris Aquino, Salve. Imagine na magkaroon ka ng lupus (kung totoo ngang may lupus siya) at may 2 anak na inaalagaan. Nagkaroon lang tayo ng awareness sa sakit na ito dahil kay Cong. Emmie Villar na talagang ibinuhos ang oras niya para matulungan ang maysakit na lupus. Grabe pala ang sakit na ito na talaga buong buhay mo dadalhin. Mabuti pa si Cong. Emmie dahil may mapagmahal siyang asawa, si Sec. Mark Villar at mapagmahal na support group. Si Kris kahit nandiyan ang mga kapatid, lagi pa rin sa isip niya sino ang mag-aalaga kay Josh at Bimby kung sakali. Ito ang lagi niyang sinasabi, mahalaga sa kanya ma-secure ang future ng dalawang anak. Dagdag na stress pa ngayon iyon pagsali ni Gretchen Barretto sa usapan ng Kris at Nicko Falcis. Naku, si Kris pa, kaya niyang ihandle lahat ng gulo sa paligid niya. Mukha lang siyang fragile, but very strong kaya sure ako pass in flying colors ang Kris sa mga issues. Now na mukhang madali nang i-handle ang lupus kesa nun panahon ni Marcos, mas magiging magaan na ang pagdadala ni Kris at nandiyan pa Cong. Emmie Villar na malaki ang maitutulong sa kanya. Carry on Kris, fighting. #lolitkulit #instatalk #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on