What's Hot

READ: Lolit Solis, ipinakilala kung sino si Salve

By Cherry Sun
Published February 18, 2018 11:47 AM PHT
Updated February 18, 2018 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News



Tuwing nagpo-post sa kanyang Instagram account si Lolit Solis ay lagi niyang binabanggit ang pangalang Salve. Sino nga ba ito?

Tuwing nagpo-post sa kanyang Instagram account si Lolit Solis ay lagi niyang binabanggit ang pangalang Salve. Kaya naman, marami ang nagtatak at nagtatanong kung sino nga ba ang kinakausap ng beteranong manager at talk show host.

Paglinaw ni Lolit, “Si Salve ho ay hindi imaginary, tunay siyang tao, entertainment editor siya ng tabloid newspaper na PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa), travel buddy ko siya at anak-anakan.”

Sambit din niya, masipag daw si Salve at tinutulungan siya nito sa kanyang social media accounts.

Aniya, “At talaga binabantayan niya mga posting ko. Siya din dahilan kaya meron akong Instagram. Kaya po tigilan n’yo na ako sa katatanong kung sino si Salve, tao ho siya, babae siya, totoong Salve pangalan niya, Salve Asis po. Pag may nakita kayo naka-outfit sa Port Area si Salve ho iyon kasi duon office ng Star Group.”

 

Alam mo isa pa nakita ko Salve iyon ibang comments para sa iyo na ha. Ikaw na tinatanong at hingi sila answer mo , hah hah bongga . Si Salve ho ay hindi imaginary , tunay siyang tao , entertainment editor siyang ng tabloid newspaper na PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa), travel buddy ko siya at anak-anakan. Masipag siya at mahusay sa time management , alam n’yo ba noon nasa Japan vacation sila nila Aries at Randolf siya pa rin nagpo post ng mga Insta ko , walang fail ha, at kahit nasa bakasyon , dusa siya mag-edit ng mga pahina ng PSN at PM. At talaga binabantayan niya mga posting ko. Siya din dahilan kaya meron akong Instagram , kaya po tigilan n’yo na ako sa katatanong kung sino si Salve , tao ho siya , babae siya , tutoong Salve pangalan niya , Salve Asis po , pag may nakita kayo naka-outfit sa Port Area si Salve ho iyon kasi duon office ng Star Group. hah hah hah #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? ???? @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on