What's Hot

READ: Lolit Solis, may komento tungkol sa pagpapakasal ni Joey de Leon

By Cherry Sun
Published March 20, 2018 11:25 AM PHT
Updated March 20, 2018 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News



Matagal magkasama sa show na 'StarTalk' sina Lolit Solis at Joey de Leon kung kaya't nag-comment ang huli sa 'Eat Bulaga' dabarkad at Eileen Macapagal.

Matagal naging magkatrabaho sina Lolit Solis at Joey de Leon, kaya naman hindi maiiwasang magkomento ang batikang talk show host at talent manager sa pagpapakasal ng dabarkad sa kanyang longtime partner na si Eileen Macapagal.

#35YearsInTheMaking: The wedding of Joey De Leon and Eileen Macapagal

Pagpuna ni Lolit, matagal na raw dapat ikinasal ang dalawa ngunit sulit naman daw ang kanilang ginawang pagpapaliban.

Aniya, “Lagi kong sinasabi na ang ideal partner ay dapat tulad ni Eileen, for her to tame one 'wild' man like Joey, bongga di ba! Naging domesticated ang isang party animal, gusto nasa bahay na lang, nagpipinta, nagbabasa, that means very comfortable siya kung nasaan si Eileen. Enjoy sila doing things together, travelling, discovering new things, growing together, what more can you ask as a married couple?”

Hanga si Lolit kay Eileen kaya ibinida rin daw niya kay Pauleen Luna na maging katulad nito bilang isang maybahay.

“Hands on si Eileen sa mga anak, kaya di kataka-taka na mga college graduates ang mga ito, lumaking maipagmamalaki ng mga magulang nila. Sabi ko nga kay Pauleen Luna, pag ang asawa mo good provider, dapat nandun ka lagi para alagaan siya. Men like Joey de Leon and Vic Sotto, pagod sa trabaho, what they need are women who will take good care of them, iyon gusto nila pag-uwi nandiyan, kausap nila, kasalo sa pagkain. Of course they also give them space at things they can do para hindi ma-bore at mag-grow din, pero dapat priority ang pagiging wife and mother,” patuloy niya.

Ipinahayag din niya ang kanyang saya sa matagumpay na pagsasama nina Joey at Eileen.

Wika ni Lolit, “Bagay sila sa isa't isa, congrats Joey and Eileen, kayo na ang perfect example ng forever, love you.”

 

Ikinasal na sila Joey de Leon at Eileen Macapagal. Sobrang long overdue, but still, the long wait is over and worth it. Lagi kong sinasabi na ang ideal partner ay dapat tulad ni Eileen, for her to tamed one 'wild' man like Joey, bongga di bah! Naging domesticated ang isang party animal , gusto nasa bahay na lang, nagpipinta , nagbabasa, that means very comfortable siya kung nasaan si Eileen. Enjoy sila doing things together, travelling, discovering new things, growing together, what more can you asked as a married couple? Hands on si Eileen sa mga anak , kaya di kataka-taka na mga college graduates ang mga ito , lumaking maipagmamalaki ng mga magulang nila. Sabi ko nga kay Pauleen Luna, pag ang asawa mo good provider , dapat nandun ka lagi para alagaan siya. Men like Joey de Leon and Vic Sotto , pagod sa trabaho, what they need are women who will take good care of them , iyon gusto nila pag-uwi nandiyan, kausap nila, kasalo sa pagkain. Of course they also give them space at things they can do para hindi ma-bore at mag-grow din, pero dapat priority ang pagiging wife and mother. Naging maliwanag na ilaw si Eileen, naging matibay na haligi si Joey, kaya ang pagsasama nila tagumpay , tahimik , maligaya, one good example of people chemistry. Bagay sila sa isa't isa, congrats Joey and Eileen, kayo na ang perfect example ng forever, love you. @angpoetnyo #instatalk #lolitkulit #71naakosamay

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on