What's Hot

READ: Lolit Solis, napa-reminisce tungkol kay Joey de Leon

By Cherry Sun
Published June 28, 2017 2:26 PM PHT
Updated June 28, 2017 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YEARENDER: Flood control cases, complaints, referrals filed in 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung ano ang nami-miss ni Lolit kay Joey.

Napa-reminisce si Lolit Solis tungkol kay Joey de Leon dahil nami-miss na raw niya ang dating Startalk co-host.
 
Isang dekada ring magkasamang nagtrabaho sa Kapuso entertainment news and talk show sina Lolit at Joey, at puro papuri ang naalala ng talent manger tungkol sa dabarkad.
 
Ani Lolit, “Naku, sarap katrabaho ni Joey, very professional, ang agang dating sa set at maganda lagi ang mood. Pati staff mahal siya kasi kung ano'ng trato niya sa amin, ganun din siya sa staff.”
 
Ikinuwento rin niya na kahit maloko sa mga biro si Joey ay relihiyoso ito.
 
“Sumisimba siya every Sunday, at kahit saan siya magpunta, dalaw siya sa simbahan. Kaloka dahil sa green jokes, wala naman siya katigil-tigil,” patuloy ni Lolit.
 
Hanga raw siya kay Joey dahil sa talas nitong mag-isip, at sa pagpapahalaga nito sa mga maliliit na bagay.
 
Wika ni Lolit, “Ang dami mong matututuhan sa kanya para kang nag-research 'pag kausap mo siya. Kainggit memory niya. Nami-miss ko nga siya dahil ang sarap niyang kakuwentuhan at ang agap sa tsismis ha. Mas marami pa siyang alam sa amin ni Ricky Lo, bongga.”

“'Pag may nagbibigay sa kanya ng regalo, appreciated niya at you feel important dahil ang bilis niyang matandaan pangalan ng bawat isa ng kasama niya,” dugtong nito. 

 

Daming tanong sa akin tungkol kay Joey de Leon dahil tagal din naming nagkasama sa trabaho. Naku sarap ka trabaho ni Joey, very professional, ang agang dating sa set at maganda lagi ang mood. Pati staff mahal siya kasi kung anong trato niya sa amin, ganun din siya sa staff. At isa sa na-discover ko kay Joey ang religious niya pala. Sumisimba siya every Sunday at kahit saan siya magpunta, dalaw siya sa simbahan. Kaloka dahil sa green jokes wala naman siya katigil tigil. At talagang henyo siya ha, ang dami mong matututuhan sa kanya para kang nag-research pag kausap mo siya. Kainggit memory niya. Nami-miss ko na nga siya dahil sarap siyang kakuwentuhan at ang agap sa tsismis ha mas marami pa siyang alam sa amin ni Ricky Lo, bongga. At ang babaw ng kaligayahan, pag may nagbibigay sa kanya ng regalo, appreciated niya at you feel important dahil ang bilis niyang matandaan pangalan ng bawat isa ng kasama niya . Miss you Joey at ang mga natututuhan ko sa iyo, super henyo ka talaga classmate. #instatalk #70naako #lolitkulit ?? @angpoetnyo

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Kahit dalawang taon na simula nang mawala sa ere ang Startalk ay hindi naman din nakalimot si Joey.
 
Nagkomento ang dabarkad sa post ni Lolit, “Thanks Lolita! Love you!”