What's Hot

READ: Lolit Solis, napa-reminisce tungkol sa 'Startalk'

By Cherry Sun
Published March 26, 2018 10:23 AM PHT
Updated March 26, 2018 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang nami-miss ni Manay Lolit sa dati niyang programa na 'Startalk?'

Napa-reminisce si Lolit Solis tungkol sa Startalk at mga dati niyang katrabaho rito.

Aniya, “More than the money, what you will miss most is the friendship na nabuo pag wala na ang mga dati mong ginagawa Salve.”

Dagdag pa niya, sa mga panahong ganito raw ay naalala niya ang kanyang dating programa. Nagiging aligaga raw kasi sila at ng mga staff dahil ang pagsapit ng Mahal na Araw ang pinakamahabang bakasyon nila.

Patuloy ni Lolit, “Hay, the friendship na nabuo nun 20 years na iyon, mga bagets pa staff, nagka-asawa, nagka-anak. Feeling family, talagang looking forward every Monday na may meeting, looking forward for Saturday.”

Kuwento rin niya na kapag may extra income siya ay nagpapa-raffle siya para sa susunod na biyahe ng kanyang mga katrabaho.

Sambit niya, “Those were the days na ang saya namin, at pag may extra income ako, raffle kami para sa next biyahe. Saan ka nakakita ng staff na nag cruise sa Asia, nagpunta Europe, nag-Amerika, at nagpunta ng Batanes at Cebu. Pasyal-pasyal, kaya naman up to now, pag nagkikita-kita, ang saya-saya.”

“Miss you guys, hayaan nyo, pag may extra na naman ako raffle uli tayo, at go go go,” pagtatapos ni Lolit.

 

More than the money, what you will missed most is the friendship na nabuo pag wala na ang mga dati mong ginagawa Salve. Hindi rin ako naniniwala sa quality time, para sa akin lahat ng oras precious , ang kailangan talaga meron kang time para sa gusto mong gawin . Para lang nag-melancholia ako dahil dati nung meron pang Startalk , aligaga lahat ng staff kung ano gagawin pag Mahal Na Araw, dahil iyon ang longest vacation para sa lahat , dahil walang Startalk pag sabado de gloria. Hay, the friendship na nabuo nun 20 years na iyon , mga bagets pa staff, nagka-asawa, nagka-anak. Feeling family, talagang looking forward every Monday na may meeting , looking forward for Saturday. Those were the days na ang saya namin , at pag may extra income ako , raffle kami para sa next biyahe. Saan ka nakakita ng staff na nag cruise sa Asia , nagpunta Europe , nag-Amerika , at nag punta ng Batanes at Cebu . Pasyal-pasyal , kaya naman up to now , pag nagkikita-kita , ang saya-saya . Miss you guys, hayaan nyo , pag may extra na naman ako raffle uli tayo , at go go go. #startalkinmymind #instatalk #lolitkulit ????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on