What's Hot

READ: Luis Manzano, tinanong kay Vilma Santos kung sino ang tunay na ama

By Jansen Ramos
Published September 26, 2018 3:42 PM PHT
Updated September 26, 2018 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News



"Ngayon alam mo na! Pero mahal na mahal kita ... alam mo 'yan, anak!"- sagot ni Vilma Santos nang tanungin ni Luis Manzano tungkol sa kanyang "tunay" na ama.

Pinagkatuwaan ng netizens ang TV host/actor na si Luis Manzano matapos niyang kuwestiyunin ang identity ng kanyang tunay na ama sa kanya mismong ina na si Vilma Santos.

Nagkomento si Luis sa throwback photo na ipinost ni Vilma sa Instagram kasama si King of Pop Michael Jackson.

"Siya ba tunay [kong] ama, Mommy?!?! Sagot!!!! Si MJ BA TUNAY KONG AMA," tanong ni Luis.

A post shared by Vilma Santos-Recto (@rosavilmasantosrecto) on

Sumakay naman ang Star For All Seasons sa kakulitan ng kanyang anak. Biro niya, "HAHAHAHAHA!! Anak ayokong sabihin mo totoo ... pero inampon ka niya pero iniwan ka din sa akin"

Sabi pa ng veteran actress-turned-politician, "Ngayon alam mo na !! pero mahal na mahal kita ... alam mo yan anak! 'Pag naniwala mga tao ... lagot ka sa akin ! Hahahaha! Love you anak ! Work na si Momski️."