
Kailangan pa raw paghusayan ni Jimuel Pacquiao ang pag-eensayo kung gusto nitong ipagpatuloy ang pagba-boxing.
Ayon sa kanyang ama, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, maituturing na "okey naman" ang kakayahan ng kanyang panganay na anak sa boxing.
Gayunman, aniya, "Sabi ko magsipag pa siya kung gusto niya talaga mag-boxing."
Nakausap ng GMANetwork.com si Senator Pacquiao sa press conference para sa planong concert cum launching ng kanyang PAC Token cryptocurrency na ginanap kagabi, June 14.
Nitong April 2019, sumabak sa kanyang first amateur boxing competition ang binatang anak ni Manny na si Jimuel.
Tila minana talaga ni Jimuel ang galing ng kanyang ama dahil na-knockout niya ang kanyang kalaban sa second round.
WATCH: Jimuel Pacquiao wins first amateur boxing fight via KO
Kaugnay nito, tinanong ng GMANetwork.com si Manny kung papayag siyang maging professional boxer si Jimuel.
Sagot ng Pinoy boxing champ, "Wala tayong magagawa. Ano lang tayo, suporta lang.
"Iyon ang gusto niya, e, yun talaga ang hilig niya."
Samantala, nabanggit din ng GMANetwork.com kay Manny na nais siyang hamunin ni Jimuel sa boxing.
Natawa lamang ang si Manny at sinabing natutuwa siya sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng kanyang anak.
LOOK: Manny and Jinkee Pacquiao's eldest son graduates from high school
IN PHOTOS: Manny Pacquiao's intense training for fight against Keith Thurman