
Magniningning tuwing hapon ang pinakabagong Kapuso drama series na Inagaw Na Bituin, simula mamaya, February 11.
Bibida sa highly-anticipated Kapuso soap ang dalawa sa pinakasikat at magagaling na teen actresses sa Kapuso Network na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar!
Kyline Alcantara at Therese Malvar, bibida sa 'Inagaw Na Bituin'
Makakasama din ng dalawa ng ilan sa mga magagaling na aktor at aktres sa telebisyon tulad nila Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, at Angelu de Leon.
Mainit din ang suporta ng mga celebrity para sa pilot episode ng Inagaw Na Bituin ngayong araw. Ilan sa kanila sina Marian Rivera, Gabbi Garcia, at Benjamin Alves.
Huwag papahuli sa pinakabagong Kapuso afternoon series na mamahalin ninyo araw-araw, Inagaw Na Bituin mamaya na pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko!