
Punung-puno ng good vibes ngayon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Kaya naman nang matanong tungkol sa muling pagkikita nila ng Kapuso actress na si Lovi Poe sa “Hatawanan” segment ng Sunday PinaSaya, nakangiting sumagot si Marian Rivera.
LINK: Aiai Delas Alas, Lovi Poe and Marian Rivera reunite in 'Sunday PinaSaya'
Para kay Marian, hindi dapat bigyan ng kulay ang viral photo nila ni Lovi kasama si Aiai Delas Alas, na labis na ikinatuwa ng fans.
Kaugnay nito, nilinaw ni Marian, hindi sila nagkaroon ng away ni Lovi kailanman.
“Habang tumatanda ka, siguro mas gugustuhin mo na may masarap na buhay, na araw araw tuwing may makakasalubong ka lahat nakangiti sa'yo.
“At wala kaming away ni Lovi, at nagpapasalamat ako sa Sunday PinaSaya kasi doon kami nagkasama ulit.
“Nagyakapan na lang kami, nag-kumustahan kaming dalawa,” sabi ni Marian sa entertainment press na dumalo sa renewal ng endorsement contract sa BeauteDerm kanina, November 7.
Dagdag ni Marian, “Napakasarap sa pakiramdam, ang sarap ng ganoon, e, na wala kang iniiwasang tao, masaya ka. Mas masarap na walang kaaway, lahat kabati mo.
Malaking factor din daw para kay Marian ang pagiging isang ina sa pagkakaroon ng mas positibong pananaw sa buhay. “At saka ang tanda ko na, dalawa na ang anak ko, gusto kong makita ng mga anak ko na masarap mabuhay na walang kagalit na puro pagmamahal ang ibibigay mo.”
LOOK: Marian Rivera's latest pic of Baby Ziggy shows he looks just like daddy
WATCH: Aga Muhlach, sinong Kapuso leading lady ang gustong makatambal?