
Sa isang instagram post ibinahagi ng Primetime Queen ang kanyang madamdaming mensahe para sa kanyang "kambal."
Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas kahapon, November 11.
WATCH: Aiai Delas Alas, may espesyal na dalaw sa kanyang kaarawan
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Aiai ang isang touching message na natanggap niya mula sa isa sa pinakamalapit niyang mga kaibigan sa industriya na walang iba kung 'di si Marian Rivera.
Narito ang birthday message ng Kapuso Primetime Queen para kay Aiai.
"Kambal, happy birthday. I'm so proud of you sa lahat ng achievements mo sa buhay. Salamat sa pagiging isang na tunay na kaibigan! Bawi kami ng inaanak mo sa 'yo. Sorry at 'di kita napuntahan kahapon. Love you, Kambal," saad ni Marian sa kanyang liham.
MORE ON MARIAN RIVERA:
Portuguese designer João Rôlo personal na hinanap si Marian Rivera para gawan ng damit
LOOK: Marian Rivera, dumalaw sa burol ng ina ni Jennylyn Mercado
Marian Rivera's mamahaling bags, accessories, and shoes