
Nagsalita si Mark Herras tungkol sa kanyang alleged video scandal na kumalat sa Internet na unang lumabas mahigit sampung taon na ang nakakalipas.
Sa naganap na media conference para sa show ng aktor na The Cure, nagkuwento si Mark tungkol sa scandal na naugnay sa kaniya noon.
Aniya, matagal na raw ang isyu ngunit concerned siya na maapektuhan ang kanyang current girlfriend na si Wynwyn Marquez.
“Siyempre siya ‘yung pinaka-naapektuhan sa isyu. Ako ang pinakamasasabi ko na lang, wag na lang nila idamay si Wyn. Wag nilang i-tag, hindi nila dapat dinadamay si Wyn about it.”
“Ako naman, personally hindi ko na siya kailangan sagutin pa kasi it’s an old issue. So ‘yun lang ang pakiusap ko, wag na nila idamay si Wyn.”
Kahit tapos na raw sila ni Wyn sa honeymoon stage ngayong mahigit dalawang taon na silang magka-relasyon, ay hindi raw sila nagmamadali magpakasal.
“Wala pa naman kaming pina-plano. Kasi ngayon after niyang manalo, gusto ko muna na ma-enjoy niya ‘yung pagkapanalo niya. 'Yung kasal naman, hindi naman kami nagmamadali.”
Busy raw sila parehas ng girlfriend lalo na’t malapit ng umere ang The Cure, kung saan gaganap si Mark bilang Darius.
“Ako naman natutuwa ako kasi binigyan ako ng GMA ng opportunity to do a kontrabida role na matagal ko na gusting gawin. Mas kaya kong paglaruan ‘yung character na kontrabida."